top of page
Untitled design (10).png
6.png

EXPANDED 

Gabay sa pagkuha ng
inyong Cash Gift sa Ilalim ng

CENTENARIANS
ACT (ECA)

REPUBLIC ACT NO. 11982 

Cash Gift Benefits for Octogenarians, Nonagenarians, and Centenarians

"All Filipinos, whether residing in the Philippine or abroad, upon reaching the age of one hundred (100) years old, shall receive a cash gift of One hundred thousand pesos (P100,000.00) and a letter of felicitation from the President of the Philippines congratulating the celebrant for his or her longevity.

All Filipinos, whether residing in the Philippines or abroad, upon reaching the ages of eighty (80), eighty-five (85), ninety (90), and ninety-five (95), shall each receive a cash gift of Ten thousand pesos (P10,000.00)"

PROGRESS REPORT AS OF 31 DEC 2025

TOTAL GRANTEES

268,333

TOTAL AMOUNT DISBURSED

₱2,839,390,000

80 YEARS OLD: 141,859 GRANTEES

4 STEPS SA PAGKUHA NG CASH GIFT

step (1).png

Kumpletuhin ang

mga sumusunod

STEP #1

  1. Application Form na downloadable sa www.ncsc.gov.ph o humingi ng kopya sa Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) o Local Social Welfare and Development Office (LSWDO), o sa inyong barangay. I-fill-up at i-attach ang 2X2 ID picture.

  2. Original o Certified True Copy ng PSA-issued birth certificate o photocopy ng National ID Card (ipakita ang original National ID Card kapag nagpasa sa OSCA/LSWDO).

  3. Full-body picture ng aplikante na nakaprint sa A4 size bondpaper o photopaper.

​

Untitled design (10).png

I-submit ang mga requirements

STEP #2

I-submit ang mga requirements sa Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) o kaya naman sa Local Social Welfare and Development Office (LSWDO) para sa initial assessment, authentication at endorsement sa NCSC Regional Office (RO).

step (3).png

Hintayin ang Validation

at Cross-referencing

STEP #3

Ang NCSC Regional Office (RO) at Central Office ay magsasagawa ng inter-regional cross-matching. Ang RO ay makikipag-ugnayan sa OSCA o LSWDO para sa schedule ng cash gift distribution ng mga kwalipikadong grantee.

step (4).png

I-claim ang

cash gift

STEP #4

Ang NCSC RO ay makikipag-ugnayan sa inyong LGU, partikular na sa OSCA at LSWDO para sa listahan ng mga kwalipikadong grantees at iskedyul ng cash gift distribution.

 

Sa araw ng cash gift distribution, 
ipakita ang kahit anong government-issued ID, at 2 photocopy nito.

Sino ang kwalipikado para sa Cash Gifts? Magkano ang matatanggap na cash gift?

Ano ang mga kailangan mong malaman tungkol sa Expanded Centenarians Act?

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS

Kailan dapat mag-apply para sa ECA Cash Gift?

Paano matatanggap ang cash gift kung ang grantee ay bedridden o may karamdaman?

Paano kapag nakapagpasa ng aplikasyon, ngunit namatay pagkatapos ng kanyang kaarawan?

Ano ang gagawin kung ang grantee ay umabot sa milestone age ngunit namatay bago pa man makapagpasa ng form at dokumento?

Paano kapag nakapagpasa ng aplikasyon at naproseso ang kumpletong dokumento, ngunit namatay bago pa man ang kanyang kaarawan?

CHECKLIST OF REQUIREMENTS

Siguraduhin na kumpleto ang mga dokumento bago ipasa ang aplikasyon sa pinakamalapit na OSCA upang maiwasan ang pagkaantala o hindi pagkatanggap ng cash gift.

1

Application Form na downloadable dito sa NCSC website o humingi ng kopya sa Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) o Local Social Welfare and Development Office (LSWDO), o sa inyong barangay. 

2

 I-fill-up at i-attach ang 2X2 ID picture.

3

 I-attach ang ISA (1) lamang sa mga sumusunod: (original copy must be presented)

  1. Original or Certified True Copy (CTC) of PSA Birth Certificate

  2. Photocopy of National ID
     

Kung walang Primary ID, magsubmit ng dalawa (2) ng alin man sa mga sumusunod:

4

Full-body picture ng aplikante na nakaprint sa A4 size bondpaper o photopaper.

Ipasa sa  inyong Office for the Senior Citizens Affairs (OSCA) kung saan kayo miyembro, o sa Local Social Welfare and Development Office (LSWDO). Hintayin ang NCSC Regional Office na makikipag-ugnayan sa inyong LGU, partikular na sa OSCA at LSWDO para sa listahan ng mga kwalipikadong grantees at iskedyul ng cash gift distribution.

Para sa mga grantees na hindi makapunta sa araw ng Cash Gift Distribution dahil nagpapagamot o may Existing Medical Condition (Bedridden), ihanda ang mga sumusunod:

  1. Original at Photocopy ng valid government-issued ID ng authorized representative (ipakita lamang ang original)

  2. Original at Photocopy ng OSCA ID ng grantee

  3. ​Original Authorization Letter (i-download ang form mula sa NCSC website)

  4. Medical Certificate kung kasalukuyang nagpapagamot sa ospital, o Barangay Certificate na pirmado ng Barangay Captain at Barangay Health Worker kung bedridden

  5. Full/half-body picture ng aplikante na may hawak na dyaryo na makikita ang petsa o kalendaryo.

Kung ikaw ay isang katutubo o nabibilang sa anumang pangkat etniko at walang PSA issued birth certificate, mag-presenta ng original or Certified True Copy (CTC) of validation document with endorsement mula sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).
 
Para sa ating mga kapatid na Muslim outside Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na walang PSA issued birth certificate,
mag-presenta ng Certificate mula sa National Commission on Muslim Filipinos (NCMF)na nagpapakita ng edad ng benepisyaryo.

Para sa mga dual-citizen grantees na nakatira sa abroad, ihanda ang mga sumusunod:
 

  1. Duly accomplished application form

  2. Any one (1) of the following primary documents:
    a. Valid Philippine Passport;
    b. Citizen Retention and Re-acquisition Certificate and Identification Certificate, or Order of Approval, or Oath of Allegiance, or Certificate of Attestation duly issued by the Philippine Embassy (PE) or Philippine Consulate General (PCG) of the Department of Foreign Affairs (DFA) who has jurisdiction in the area where the applicant resides.

  3. 2”x 2” ID picture

  4. Full body picture of the applicant printed on an A4 size bond/photo paper

  5. I-submit ang mga ito sa Philippine Embassy, Commission for Filipinos Overseas (CFO), o Department of Migrant Workers (DMW) kung kayo ay nasa ibang bansa.

PAALALA

ILEGAL at mahigpit na ipinagbabawal ang anumang uri ng solicitation, paniningil, o pagkakaltas sa cash gift sa ilalim ng Expanded Centenarians Act. ​ Ang ₱10,000 at ₱100,000 cash gifts ay dapat buong halagang natatanggap ng mga kwalipikadong senior citizen grantees.

 

I-REPORT kaagad sa NCSC ang anumang ilegal na proseso sa pamamahagi ng cash gift. Para sa paglilinaw at verification ng inyong aplikasyon, makipag-ugnayan sa aming regional offices. 

bottom of page