top of page
Search

NCSC, Buong-Pwersa sa Kampanya para sa Agarang Pagpasa ng Universal Social Pension Bill

Updated: 6 days ago


Buong-puwersang sumusuporta ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) sa isinumiteng 2 milyong lagda sa Kamara noong Lunes, 25 Mayo 2026, para agarang maipasa ang panukalang Universal Social Pension (USP) para sa mga nakatatanda.


Sa isinagawang turnover ceremony, pormal na nagpaabot ng opisyal na pahayag ang NCSC sa pamumuno nina Chairperson at CEO Atty. Ma. Merceditas N. Gutierrez, Acting Executive Director Ana Marie C. Calapit, at Head Executive Assistant Atty. Jasper Allen B. Barrientos.


Dumagsa rin sa Kamara ang iba't ibang organisasyon, pederasyon, at samahan ng mga senior citizen mula sa iba't ibang rehiyon para ipakita ang kanilang pagkakaisa.


Ayon kay Atty. Gutierrez, hindi lamang simpleng panawagan ang mga lagda, kundi isang malinaw at direktang petisyon sa pamahalaan na kilalanin ang dignidad at karapatan ng mga nakatatanda.


Naniniwala ang NCSC na napapanahon na para ipasa ang naturang panukala dahil sa patuloy na pagbabago ng estado ng ekonomiya sa bansa.


"A universal pension establishes a critical baseline of financial security that our older population acutely needs to survive current economic conditions," ani Gutierrez.


Para sa NCSC, malinaw ang layunin ng USP na mapagaan ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga nakatatanda, lalo na sa pagtugon sa kanilang mga pangunahing pangangailangan. 


“These signatures represent a direct, undeniable petition to the government to explicitly recognize the dignity and rights of our senior citizens. It is not merely a symbolic gesture; it is a stark, quantifiable metric of public demand,” dagdag pa ni Atty. Gutierrez.


Ang kampanyang “Labindalawang Milyong Lagda Para Sa Matatanda” ay pinangungunahan ng House Committee on Senior Citizens sa pamumuno ni United Senior Citizens Party-list Rep. Milagros Aquino-Magsaysay, na naglalayong maabot ang 5 milyong lagda sa Hulyo.


Suportado ito ni House Speaker Faustino "Bojie" Dy at nangakong babantayan ang panukalang batas hanggang sa umusad ito sa Kamara at maisumite sa Senado. 


“The Universal Social Pension is not simply about assistance; it is about dignity, gratitude, and compassion. Given the cost of medicine, food, and healthcare, our seniors must be provided support to help them afford all of their basic needs,” saad ni House Speaker Dy. 


“Ang inyong suporta ay patunay na maraming Pilipino ang naniniwala na panahon na upang higit nating paklakasin ang pagkalinga sa ating mga senior citizens,” dagdag pa nito. 


Tiwala naman si Rep. Aquino-Magsaysay na pakikinggan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang matagal nang hiling ng milyong-milyong senior citizens sa bansa.


“Kailangan na nating ipagkaloob ang [universal] social pension hindi lang para sa mga indigent, kundi para sa lahat ng nakatatandang Pilipino na wala nang pinipili. Ibigay na ang karapatang ito. Matagal na po naming ipinagdarasal ito,” pahayag ng mambabatas.  


Matapos ang isinagawang public hearing ng House Committee on Appropriations sa kaparehong araw, ang panukalang USP ay isinailalim sa isang Technical Working Group (TWG) para masusing pag-aralan ang pondo at pagpapatupad nito.


Kinakailangan pa umano ng Department of Budget and Management (DBM) ng panahon sa panukalang batas at para matiyak na magiging balanse at kakayanin ng gobyerno ang pangmatagalang pagpapatupad ng universal pension.


BASAHIN ANG BUONG MENSAHE:


 
 

Notice:  Please do not raise your concern as comment in this posting.  In order to address your concern directly, please email us at contact@ncsc.gov.ph or visit the lower section of our home page for more contact information.

bottom of page