top of page
Search

NCSC, Nagbabala Laban sa Viral Content Tungkol sa Universal Social Pension Rollout

Updated: Oct 22


ree

Nagbabala ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) sa publiko laban sa viral content online na nagsasabing nagsimula na ang pamamahagi ng universal social pension sa lahat ng mga Pilipinong senior citizen.


Ang naturang video ay manipulado ng artifical intelligence o AI at umabot na sa higit 300K ang views sa YouTube. Sinundan pa ng ilan pang fake content ang naunang video.


Nilinaw ng NCSC na hindi pa naisasabatas ang Universal Social Pension Bill at patuloy pang inaaral ng mga mambabatas.


Mariin ding pinabulaanan ng Komisyon ang awtomatikong P12,000 universal social pension sa lahat ng mga 60 edad pataas at may senior citizens ID.


Hindi ito totoo at pawang “clickbaiting” lamang ang content dahil hindi pa pinal at aprubado ang nasabing pensyon.


Muling pinaalalahanan ang publiko, lalo na ang mga senior citizen, na paniwalaan lamang ang mga balita o impormasyon na galing sa lehitimong social media pages ng NCSC at iba pang opisyal na ahensya ng pamahalaan.


Sakaling may makitang kahina-hinalang post o content online, mangyari lamang na i-report ito sa Inter-Agency Response Center Hotline 1326 o kaya naman magpadala ng e-mail sa report@cicc.gov.ph.

 
 

Notice:  Please do not raise your concern as comment in this posting.  In order to address your concern directly, please email us at contact@ncsc.gov.ph or visit the lower section of our home page for more contact information.

bottom of page