top of page
Search

NCSC, Nilinaw na Walang Ipinamamahaging ATM Card para sa mga Pilipinong Senior Citizens



Nilinaw ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) na walang ibinibigay na ATM card sa mga senior citizens para magamit sa pagkuha ng anumang ayuda, cash gift, o pensyon.ย 


Kasunod ito ng kumakalat na video online ng isang content creator na sinasabing aprubado na umano ang ATM card sa bawat older person sa buong bansa.


๐—ช๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ธ ๐—ฐ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—–๐—ฆ๐—– ๐—ฎ๐˜ ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ฟ๐—ถ๐—ป ๐˜๐—ผ๐˜๐—ผ๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ถ๐—น๐—ผ๐˜ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ธ ๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ณ๐—ฒ๐—ฟ.


Nais linawin ng Komisyon na ang bank transfer na sinisimulang isagawa sa mga piling rehiyon ay isa lamang opsyon ng mga senior citizens para makuha ang kanilang P10K o P100K cash gift sa ilalim ng Expanded Centenarians Act (ECA).


Layon ng bank transfer system na mapabilis ang pag-claim ng mga regalo para sa mga tumuntong sa milestone ages na 80, 85, 90, 95, at 100.ย 


Muling nagbabala ang NCSC laban sa mga kumakalat na maling impormasyon, online man o hindi, tungkol sa mga programa at benepisyo para sa mga senior citizens.ย 


Magtungo lamang sa opisyal na social media pages ng NCSC para sa updates at direktang makipag-ugnayan sa opisina ng Komisyon kung may katanungan tungkol sa mga programa ng pamahalaan.


Para sa agarang kasagutan at tamang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa tanggapan ng ๐๐‚๐’๐‚ sa pamamagitan ng:


๐Ÿ“ž (02) 8567-5646

๐Ÿ“ฒ 0962-2743-622

๐ŸŒ www.ncsc.gov.ph

ย 
ย 

Notice:  Please do not raise your concern as comment in this posting.  In order to address your concern directly, please email us at contact@ncsc.gov.ph or visit the lower section of our home page for more contact information.

bottom of page