PAHAYAG NG NCSC SA “NO DOUBLE-DISCOUNT” RULING NG KORTE SUPREMA
Updated: Oct 21

Iginagalang ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) ang kamakailang desisyon ng Korte Suprema na nagbibigay-linaw sa pagpapatupad ng mga diskuwento para sa mga nakatatanda sa ilalim ng Republic Act No. 9994, o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010.
Muling binibigyang-diin ng Komisyon na ang mga nakatatanda ay dapat makatanggap ng mga diskuwento at benepisyong itinakda ng batas, alinsunod sa mga umiiral na patakaran sa mga promotional discount at pagbabawal sa pagsasabay ng mga diskuwento.
Mananatiling matatag ang NCSC sa pagtataguyod at pangangalaga sa mga karapatan at kapakanan ng mga nakatatanda, kasabay ng pagsusulong ng patas, pare-pareho, at wastong pagpapatupad ng batas para sa kapakanan ng mga nakatatanda at mga negosyo.
Para sa karagdagang impormasyon at mga katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa NCSC sa pamamagitan ng sumusunod:
Contact Numbers: (02) 8567-5646 / 0962-2743-622
Email: contact@ncsc.gov.ph
Website: www.ncsc.gov.ph

